Mukhang wala nanaman akong gagawin this summer. Eh kasi, todo naman,dapat may project ako this summer, yung sa activity ng Externals Committee sa ALCHEMES, dapat kasama sana ako dun, ngunit sabi ng aking ina, huwag akong gumawa ng permanenteng plano para sa bakasyong ito sa pagitan ng mga semester sapagkat baka kami’y umuwi ng Bolinao or umalis. Ngunit, sa ngayon, wala pa ring update.
Waaaa dumudugo na ilong ko, di ko kaya pure Filipino. Anyways, sana, magpapractice ako ulit magdrive, malay mo mabangga ko ulit ung car, for the umpteenth time! Waheheheh. Kaso sa kamahalan ng gas, di na economical ang paggamit ng kotse, especially if your parents will make you pay for your own gas!Sheesh. mukhang forever pedestrian na lang ang lola mo.
Well actually, I’ve come to accept this, unless willing magcarpool at magaus ng sked ang aking mga kabitbahay dito sa Caloocan na taga-UP den, para sabay sabay taung pasok, in shrot PAYAG AKONG MAGING DRIVER! KOTSE KO PA GAMIT! Basta hati tau sa gas, hehehe. Kaso nga sa mundo ng Unibersidad ng Pilipinas, napakahirap magsynchronyze ng Schedule, so no choice, tanggapin ang pagka pedestrian.
Kaya nga gusto kong magjogging, para practice! Well actually hindi, gusto kong magpapayat, syempre gusto ko ring maging healthy, may time naman ako eh, wala nga lang kasama. Kung nagdodorm/ boarding house lang ako edi nagjog ako everyday sa peyups, kaso hindi eh, taga caloocan ako, gudlak na lang magjogging dito.
Kasi eh HELEN ayan hindi lang bold, naka caps pa, next time may underline na yan. Magjogging na tayo! KAsi ikaw eh sabi na sau, di iniinom ang tubig sa kubeta, hehehe jowk! (teka nagross-an din akos a sinabi ko) Pang-ilang typhoid mo na ba yan? Parang everytime na plan nating lumabas etc. nagkakasakit ka! Sana sa sem break indi na. Lam mo nmang ikaw lang ang ksama ko magjog, huhuhu.
Haaay so sa ngayon, buhay baboy pa rn, kain tulog, aral minsan. Tapos na nga pala yung application period sa ALCHEMES, final rights na lang ang kulang ko, and from what I’m hearing, yak! mahirap daw. Haaay kaya yan, pakapalan lng ng face yan, di pa nga ako nagpapaalam eh, sana payagana ko, sayang naman yung 126 tambay hours ko (yak kinarir ang pagtambay!)
Kasi naman kasi eh, ung tambayan, laging masaya, either ayaw mo umuwi kasi gusto mong baeiin yung license mo sa Poker, or nawili ka lang sa chikahan, or wala lang ayaw mo lang umuwi/magclass, ayun madalas mangyari sakin un.
Pero nakakatuwa ha, pumasok ako ng UP knowing only a few card games, pusoy dos, tong-its, pekwa, lucky 9, unggoy-ungguyan, y’know the basics, and ngayon ang mga natutunan ko sa tambayan eh Bridge, Poker, Bluff, Killer-killer, 99 and just recently Rape and Speed. Hindi pa nga naturo sakin yung spades eh. At dahil din sa bridge na yan, eh natuto ako ng Hearts ng di oras.
Fav ko ngaun ung PokSoc! Poker Society, kasi may license chorva na pinauso si Halley, may level ung mga licenses, well actually, they’re just cards with Halley’s signature, tapos if you play an official game, at stake ang mga licenses nyo, pag in the end of one session ikaw ang may pinakamaraming pera, sayo ang pinakamataas na card.
Eh last week, i had a stroke of luck, would you believe, nanalo ako with a quadro queen (think pusoy dos) at isang Queen lang dun sa apat ang hawak ko, hehe natalo ko pa ung mga initially may ace and king, at may pair jacks. Tapos ang taas pa ng pot nun, kasi ang saya kong magbluff, at may nag-all in ng pera, (kung di mo naiintindihan pag-aralan mo poker, okaya look for me tuturuan kita.) edi ang laki ng pot na napanalunan ko! And ang license ko ngayon, Queen of Hearts, hehe konting yabang lang kahit luck lang tlaga ang nagpapanalo saken.
Kaso up for grabs na sya, at ang daming nanchachallenge saken, buti na lang sem break na, at tapos sa ang app period, wahehehe, makakaiwas na ko.Oh well thats it for now, hell week na eh, puro finals, kaya hanggang dito muna, in fairness, humahaba nang muli ang aking mga entry.