Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Haaay buhay baboy ulet, sem break na kasi. Oh well at least mas productive itong sem break na ito kaysa sa previous ones ko. At least itong break na to, eh nakakaraket ako. Haaay pero kulang pa ren, gustuhin ko mang magtrabaho ng magtrabaho, nadidistract pa rin ako, kasi naman kasi si “Guy” eh, pasaway, don’t you get tired of running through my mind all day? Yak bitter na nagsesenti, kaya kumokorny eh.
.
Anyway, ang dami kong craving recently, puro hard to find pa, well sa paligid-ligid dito mahirap makita, kasi naman, ang mga cravings ko, triple stuffed crust super supreme pan pizza ng Pizza hut, Black Forest cake ng Red Ribbon, Siomai at Sushi, san kaya ako kukuha nun dito samen? Nakakatamad namang pumunta ng SM mag-isa para lang dun, kaya ito tinitiis na lang. Pero pag bumalik ako sa UP pramis isa dun bibilhin ko, or lahat para masaya.
.
Namimiss ko na ung tropa ko dito sa bahay, di na ko nakakatambay, nung isang araw ang lakas ng ulan, lahat sila naligo, take note upper teens and lower 20’s na ang mga tropa ko, at Maynila ito, heheheh ok lang kasi looban naman dito.
.
Namimiss ko na rin ang Simbang gabi. 2x ko na syang nakukumpleto, ever since grade four, nagsisimbang gabi kami ng mga childhood friends ko, hehe kung kelan college na ako dun ko lang nakumpleto.
.
Namimiss ko na rin sila yocs, tere, berns, mich, zsa, kendi, nuqui, allan, William ,jeny, jena, aya, ronwald, sir caro, jep, lahat ng mga katoka ko sa ACP at sa Laco, miss na miss na, lalo na ung mga kagaguhan at kaungasan nung high school. Tama nga yung mga nagrereminisce na teacher nung High school tayo, nakakamiss tlaga ang freedom at ang carelessness. Pano di ko pa nafifeel ma-in-love nung HS, problema ko lang nun eh kung articles sa The Word, yung COCC ko na binuburaot ni **, yung mga chika tungkol sa crush, haaay those were the days.
.
Nakakamiss din yung mga larong Chinese, patintero, bang-sak, football, mataya-taya, go-stop.
.
Ang tanda ko na pala.
.
Ako na yung tigaturo ng mga laro, minsan tiga kwento pa sa mga bata tungkol sa good old days. Yung mga bata kasi ngayon puro arcade ang alam, puro lalaki pa, kaya hindi nila nalalaro yung bangko-bangkuhan at tindatindahan.
.
Haaay ang sarap maging naïve, unaware at fancy free.
.
Kala ko nun kaya kong gawin lahat, pero heto ko ngayon, para bang nawala yung tinutungtungan ko.
.
Gusto ko nang pumasok, para madistract na ko ng studies ko.
.
Nakita ko pala si Fafa Keith kanina.
.
He’s as handsome as ever, crush ko pa rin sya, longest running crush ko na, at sya lang ang crush ko na alam na crush ko sya, at alam kong alam nyang crush ko sya, at kahit alam kong alam nyang crush ko sya, crush ko pa rin sya… gets?
.
Haaay natutuwa ako kei Berns, di ko naexpect na makakapagshare ako sakanya, salamat Berns, sayo ko unang navoice out yung kei “Guy.” Salamat at mahilig ka ring magpuyat sa YM tulad ko, di k tlaga naexpect na may mapagsasabihan akong lalaki tungkol dun.
.
Salamat din kay Dianne, kasi natitiis nya ako kahit puro “Guy” and bukambibig ko, hehehe kahit may sariling heart problems sya, sinasalo pa rin yung akin, salamat Dianne.
.
Kay Irv den na kahit nasa, san nga ba yun? Basta ibang bansa, nageemail pa ren, samantalang ung mga nasa Pilipinas, tawag lang di pa makaya, sem break naman.
.
Kay Helen na nagintroduce saken ng racketeering, salamat pare, may panggastos na ko! Pagaling ka ha.
.
Kay Lyn na iniintindi ang kadelinkwentehan ko sa ES 21.
.
Sa org-mates na hindi nangjujudge kahit delinkwente ako.
.
Kay Lynius na ang laki ng tiwala saken.
.
Sa mga tropa sa bahay na kahit anong sama ko mataas pa rin ang tingin sakin.
.
Haaay ang hirap ng nagsesenti, parang hindi ako, pero sabi nga ni Berns, ang mga taong masaya, sobra kung umiyak, or something like that. Oo nga ang hirap pala pag nasanay kang masaya tas biglang lulungkot.
.
Kelan kaya to matatapos?
.
Sanamalapit na, baka di ko na kayanin.
.
I end this entry with a quote from the ALCHEMES logbook, “HOY! Mahalin mo naman ako!… L*ch* ka!” Hehehe
October 26th, 2005 at 5:21 am
no prob mau. luv naman kita. you know that. mwahahahahaha. baby! eeeeeew! bwahahaha!